|
||||||||
|
||
Sofia, Bulgaria — Dumalo nitong Sabado ng umaga, Hulyo 7 (local time), 2018, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-7 Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at mga Bansa ng Gitnang Silangang Europa. Dumalo sa pulong ang Unyong Europeo (EU), Austria, Switzerland, Greece, Belarus, at European Bank for Reconstruction and Development (EBRD), bilang tagamasid.
Ipinahayag ni Premyer Li na bumubuti nang bumubuti ang konstruksyon ng mekanismong pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa. Aniya, mayaman ang natamong bunga ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan, at nakalikha ng bagong modelo ng multilateral na kooperasyon.
Tinukoy niya na sa kasalukuyan, nananatili pa ring tema ng siglo ang kapayapaan at kaunlaran. Dagdag niya, sa hinaharap, patuloy na igigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at buong tatag na igigiit ang estratehiya ng pagbubukas.
Lubos namang pinapurihan ng mga lider ng mga bansa ng Gitnang Silangang Europa ang natamong bunga ng "16+1 Cooperation." Buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na ang pagpapasulong ng ganitong kooperasyon ay hindi lamang nakakabuti sa kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa, kundi nakakatulong din sa proseso ng integrasyon ng Europa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |