|
||||||||
|
||
Sofia, Bulgaria — Sa kanyang pagdalo kasama ng mga lider ng 16 na bansa ng Gitnang Silangang Europa, sa Ika-8 Porum na Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at mga Bansa ng Gitnang Silangang Europa, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na magkatugma ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa sa kasalukuyang kalagayan, at ito ay angkop sa kapakanan ng iba't-ibang panig. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalawak ang saklaw ng kalakalan ng dalawang panig, matatag na lumalaki ang kanilang pamumuhunan sa isa't-isa, at maayos na sumusulong ang konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad, bagay na nagsasakatuparan ng win-win situation at naghahatid ng mga benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.
Tinukoy ni Premyer Li na ang "16+1 Cooperation" ay nagsisilbing mahalagang bahagi at mabuting dagdag ng kooperasyong Sino-Europeo. Ito aniya ay nakakatulong sa pagsasakatuparan ng balanseng pag-unlad at pagpapasulong ng proseso ng integrasyon ng Europa.
Dagdag pa niya, sa harap ng masalimuot at nagbabagong kalagayang pandaigdig, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng mga bansa ng Gitnang Silangang Europa, upang mapasulong pa ang pag-unlad ng "16+1 Cooperation" sa mas malawak na larangan at mas malalim na lebel.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |