Sa kanilang pagtatagpo noong ika-9 ng Hulyo, 2018, sa Beijing, sinang-ayunan nina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, Emir Sheikh ng Kuwait na itatatag ang estratehikong partnership ng Tsina at Kuwait.
Binigyan-diin ni Xi na itinuturing ng Tsina ang Kuwait bilang mahalagang partner ng komong pag-unlad sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) at pangangalaga ng katatagan ng rehiyon. Tulad ng dati, kumakatig ang Tsina sa pag-unlad ng Kuwait ayon sa landas na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Ang Kuwait ay bansang pinakamaagang nagkaroon ng dokumentong pangkooperasyon ng BRI, aniya pa, dapat pahigpitin ang pag-uugnay ng mga patakaran para matamo ang bunga sa mga proyekto.
Pinapurihan ni Al-Sabah ang Tsina bilang "a peace-loving country recognized worldwide." Aniya, laging pinangangalagaan ng Tsina ang pagkakapantay-pantay at katarungan sa mga suliraning pandaigdig, at itinuturing ng Kuwait ang Tsina bilang mapagkakatiwalaang kaibigan at partner. Aniya, nakahanda ang Kuwait na palakasin ang kooperasyon nila ng Tsina sa pulitika, kabuhayan, kultura, at seguridad, base sa pragmatikong diwa at pagtitiwalaan sa isa't isa, at nang sa gayo'y, magkasamang pasulungin ang konstruksyon ng BRI, at kapayapaan at katatagan ng Gulf region at daigdig.
salin:Lele