|
||||||||
|
||
Chatomuk Conference Hall, Phnom Penh—Binuksan Martes, Hulyo 10, 2018, ang Linggo ng mga Pelikulang Tsino at Ika-3 Road-show ng mga Natatanging Pelikula ng Tsina at Kambodya. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga opisyal ng pamahalaan ng Kambodya at mahigit 600 manonood sa lokalidad.
Si Xiong Bo (kaliwa), Embahador ng Tsina sa Kambodya, at si Men Sam An (kanan), Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, sa seremonya ng pagbubukas
Si Men Sam An, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Men Sam An, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, na sa pamamagitan ng Linggo ng mga Pelikulang Tsino, ibayo pang mauunawaan ng mga mamamayang Kambodyano ang kultura ng Tsina, at mapapahigpit ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Si Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya
Sinabi naman ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya na ang pelikula ay mahalagang tulay ng pagpapahigpit ng pag-uunawaan, at pagpapasulong sa pagpapalitang kultural. Aniya, noong nagdaang dalawang road-show, halos 10 natatanging pelikulang Tsino ang itinanghal sa 14 na lalawigan at rehiyon ng Kambodya, bagay na nagkaloob ng isang bagong plataporma para sa pagkaalam ng mga mamamayang Kambodyano ng kasaysayan, kultura at kasalukuyang kalagayan ng Tsina, at nagsilbi itong mahalagang tatak ng pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.
Sa panahon ng aktibidad, walang bayad na itatanghal ang mga natatanging pelikulang Tsino na may dub sa wikang Kambodyano na gaya ng "Running Like Wind," "Operation Red Sea," at "Wolf Warrior II," para sa mga mamamayan sa Phnom Penh at mga liblib na purok ng Kambodya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |