Phnom Penh, kabisera ng Kambodya—Idaraos sa ika-10 ng Hulyo, 2018, ang seremonya ng pagbubukas ng "Linggo ng mga Pelikulang Tsino" at Ika-3 "Road-show ng mga Namumukod na Pelikula ng Tsina at Kambodya."
Ang nasabing aktibidad ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Kambodya at Ministri ng Kultura at Sining ng Kambodya. Ang Cambodia China Friendship Radio (CCFR) ng China Media Group at China Film Group Corporation ay namamahala sa mga konkretong gawain ng aktibidad na ito.
Ang 5-araw na "Linggo ng mga Pelikulang Tsino" ay isa sa mga mahalagang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya sa kasalukuyang taon. Layon nitong ibayo pang pasulungin at palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng kultura, sining at pelikula.
Sa panahon ng aktibidad, walang bayad na itatanghal ang mga namumukod na pelikulang Tsino na may dub sa wikang Kambodyano na gaya ng "Running Like Wind," "Operation Red Sea," at "Wolf Warrior II," para sa mga mamamayan sa Phnom Penh at mga liblib na purok ng Kambodya.
Salin: Vera