|
||||||||
|
||
Biyernes, Hulyo 13, 2018, naganap sa rehiyong Mastung ng probinsyang Balochistan ng Pakistan, ang suicide bombing attack na ikinamatay ng 128 katao, at ikinasugat ng 200 iba pa. Idineklara ng "Islamic State (IS)" ang responsibilidad sa insidenteng ito.
Kaugnay nito, ipinahayag Sabado ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matinding kinokondena ng panig Tsino ang nasabing insidente.
Ani Hua, taos-pusong pakikidalamhati sa mga nasawi, at lubos na pakikiramay sa mga nasugatan at kamag-anakan ng mga nasawi, ang ipinaaabot ng Tsina.
Dagdag pa niya, tinututulan ng Tsina ang terorismo sa anumang porma. Buong tatag na kinakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Pakistani sa pagbibigay-dagok sa terorismo, at pangangalaga sa katatagan ng bansa at seguridad ng mga mamamayan, aniya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |