Kaugnay ng teroristikong pagsalakay sa Pakistan, nagpahayag Lunes, ika-28 ng Marso 2016, si Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina ng pinakamatinding kondemnasyon ng panig Tsino tungkol dito. Aniya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng mga mamamayang Pakistani, para mabigyang-dagok ang terorismo, at mapangalagaan ang katatagan ng bansa at kaligtasan ng mga mamamayan.
Sabado, ika-27 ng Marso, naganap ang suicide bombing sa isang parke ng sa Lahore, siyudad sa dakong silangan ng Pakistan. Di kukulangin sa 69 ang namatay kung saan 1/3 ang mga bata, at mahigit 300 ang nasugatan
Inamin ng Jamaat-ul-Ahrar, hiwalay na grupo ng Tehrik-e-Taliban Pakistan (Movement of the Taliban in Pakistan) ang umamin ng responsibilidad sa nasabing atake.
Salin: Vera