|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na inilabas nitong Sabado, Hulyo 14, 2018, kinondena ng United Nations (UN) Security Council, sa pamamagitan ng "pinakamatinding pananalita," ang suicide bombing attack na naganap Biyernes sa probinsyang Balochistan sa gawing timog kanluran ng Pakistan. Nagpahayag din ito ng lubos na pakikisimpatiya at pakikiramay sa mga pamilya ng nasawi at pamahalaang Pakistani.
Ipinagdiinan ng UNSC na dapat madakip ang mga may kagagawan, tagapag-organisa, at tagapagsuporta ng ganitong teroristikong aksyon. Hinimok din nito ang lahat ng bansa, na alinsunod sa pandaigdigang batas at mga obligasyong itinatadhana sa kaukulang resolusyon ng UNSC, aktibong makipagkooperasyon sa pamahalaang Pakistani at iba pang mga kaukulang panig.
Inulit ng UNSC na ang anumang porma ng terorismo ay isa sa pinakamalubhang banta sa kapayapaan at kaligtasang pandaigdig. Dapat anitong magsikap ang lahat ng bansa hangga't makakaya, upang mapigilan ang bantang dulot ng terorismo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |