Ipinahayag Hulyo 16, 2017 ng panig militar ng Pakistan na idinaos ng hukbong panlupa at panghimpapawid ng Pakistan ang magkasanib na ensayong militar sa Khyber, isang tribong malapit sa purok-hanggahan ng Pakistan at Afghanistan. Ang nasabing pagsasanay ay may code name na "Khyber-4."
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Asif Ghafoor, Puno ng Departamentong Pang-impormasyon ng Hukbong Pakistani, na ito ay para pigilin ang mga terorista ng Islamic State sa Afghanistan, na pumasok sa Pakistan, at pangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.