|
||||||||
|
||
Bumisita kamakailan si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa Mexico upang pag-usapan ang mga temang gaya ng North American Free Trade Agreement (NAFTA), seguridad, at hanggahan.
Magkahiwalay na kinatagpo ni Pompeo sina Enrique Peña Nieto, kasalukuyang pangulo ng Mexico, at Andres Manuel Lopez Obrador, bagong halal na pangulo ng bansang ito.
Sa isang news briefing, ipinahayag ni Pompeo na ang Amerika at Mexico ay kapwa "magkapitbansa, magkatuwang, at magkaibigan." Aniya, napakahalaga ng Mexico para sa pulitika, kapakanang ekonomiko, at seguridad na panlipunan ng Amerika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |