PASADO na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang budget para sa susunod na taon. Ang binabalak na budget ay nagkakahalaga ng P 3.757 trilyon na hapos 19.3% ng Gross Domestic Product (GDP) at sinasabing kauna-unahang "cash-based budget" ng pamahalaang ito kaya't makatitiyak ng mas magandang paghahatid ng public services.
Sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na higit na magiging masinop ang pamahalaan sa paggamit ng salapi ng bayan. Prayoridad sa panukalang budget ang mga pagawaing-bayan at ang social services. Ang Social Services ay magtatamo ng 36.7% o P 1.377 trilyon mula sa buong budget.
Ang economic services ay magkakayoon ng 28.4% o P 1.068 trilyon, General Public Services na 8.9% o P 709.1 bilyon, Debt Burden na 11.0% sa halagang P 414.1 bilyon. Ang Defense ay mayroong 5.0% ng buong budget o P 188.2.
Ayon sa cash-based appropriations para sa mga pagawaing-bayan ay P 874.8 bilyon o 4.5% ng Gross Domestic Product. Aabot sa 31.5% ng budget o P1.185 trilyon ang para sa pagpapasahod ng mga kawawi, samantalang ang Capital Outlays ay 20.0% na nagkakahalaga ng P 752.7 bilyon, bahagi ng mga pamahalaang local o Internal Revenue Allotment, 17.1% o P 640.6 bilyon, maintenance expenditures na 15.0% na nagkakahalaga ng P 562.9 bilyon, pangbayad sa mga pagkakautang, 11.0% o P 414.1 bilyon, suporta sa mga Government-Owned and Controlled Corporations at 5.0% o P187.1 bilyon at tax expenditures ay 0.4% o P14.5 bilyon.
Isusumite ni Pangulong Duterte ang panukalang budhet sa Kongreso sa darating na Lunes, ika-23 ng Hulyo sa kanyang ikatlong State of the Nation Address.