MAGDUDULOT ba ng kaunlaran at kapayapaan ang pinag-uusapang Bangsamoro Basic Law sa mga masasakop nito? Ito ang paksang tatalakayin bukas sa Roundtable @ Lido.
Panauhin ang mga kinatawan ng mga katutubo na nakadaramang naiiwanan sila sa negosasyon at itinatadhana ng panukalang batas. Inanyayahan din ang mga kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front sa talakayan.
Darating sina Datu Julieto Gandur na mula sa Carmen, North Cotabato, Leonoro Modukep ng Timuay Justice Governance ng Maguindanao, Jasaon Ulobalang ng Timuay Lambiangan Youth and Student Organization, Leticio Datuwat Titay Bleye ng South Upi, Maguindanao at Atty. Michael Henry Yusingco ng Ateneo School of Government.
Isang malaking hadlang sa pagpapasa ng panukalang batas ang magkaibang bersyon ng House of Representatives sa bersyon ng Senado. May 18 mga kongresista at sampung senador ang kabilang sa Bicameral Conference Committee.