Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing Martes, Hulyo 17, 2018, kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na ibayo pang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa WHO upang makapagbigay ng ambag sa pagpapasulong ng pandaigdigang usaping pangkalusugan.
Ani Wang, hinahangaan ng panig Tsino ang ibinibigay na mahalagang papel ng WHO sa aspekto ng pag-unlad ng kalusugan sa daigdig. Kinakatigan ng Tsina ang WHO sa pagsasakatupran ng target ng sustenableng pag-unlad ng kalusugan sa buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Tedros na buong tatag na igigiit ng WHO ang prinsipyong isang Tsina. Palalalimin aniya ng WHO ang estratehikong pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga balangkas na gaya ng :Belt and Road," at "South South Cooperation."
Salin: Li Feng