Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon ng hapon, Hulyo 27, 2017, kay Margaret Chan, dumadalaw na dating Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na noong panahong si Chan ay Direktor-Heneral ng WHO, lubos siyang nagpunyagi upang mapangalagaan ang global health security, at mapasulong ang usaping pangkalusugan. Bukod dito, aktibo aniyang pinasulong ni Chan ang pag-unlad ng mga kasaping bansa ng WHO, partikular ang konstruksyon sa sistemang pangkalusugan, at pagkakaloob ng tulong at suporta sa reporma sa sistemang medikal at pangkalusugan ng Tsina. Lubos itong hinahangaan ng Tsina, dagdag ni Li.
Pinasalamatan naman ni Margaret Chan ang ibinibigay na suporta ng pamahalaang Tsino sa WHO sa mahabang panahon. Aniya, kapansin-pansin ang natamong bunga ng reporma ng Tsina sa sistemang medikal. Ito ay nagkakaloob ng mabuting karanasan para sa konstruksyon ng sistemang medikal at pangkalusugan ng maraming bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng