Nagtagpo Hulyo 16, 2018, sina Donald Trump, Pangulo ng Amerika at Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya sa Helsinki, Finland. Ipinahayag nilang konstruktibo ang kanilang naging pagtatagpo, at ipagpapatuloy ang diyalogo ng Amerika at Rusya.
Sa news briefing pagkaraan ng close-door meeting na tumagal ng ilang oras, isiniwalat ni Trump na nabanggit nila ang hinggil sa pinaghihinalaang pakikialam ang Rusya sa eleksyong pampanguluhan ng Amerika noong 2016, isyung nuklear ng Korean Peninsula, pagbibigay-dagok sa terorismo, isyu ng Iran, kalagayan ng Syria, at iba pa. Aniya, patuloy na tatalakayin ng mga Lupong Panseguridad ng dalawang bansa hinggil sa nasabing mga isyu.
Nagpahayag naman si Putin ng kasiyahan sa pagtatagpo. Aniya, ito ay unang hakbang patungo sa tumpak na direksyon.
salin:Lele