Ipinahayag Biyernes, Hunyo 29, ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na sa kanilang pagtatagpo sa darating na Hulyo, mag-uusap sila ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya hinggil sa mga maiinit na isyung panrehiyon at pandaigdig. Aniya, kabilang sa mga pag-uusapang isyu ay kalagayan ng Syria, kalagayan ng Ukraine, pagbabawas ng budget militar ng Amerika, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Dmitri Peskov, Press Secretary para sa pangulong Ruso ang kahandaan ng Rusya na ibalik sa normal at paunlarin ang relasyong Ruso-Amerikano. Pero ipinagdiinan niyang kailangan din nito ang katulad na kahandaan ng Amerika. Isang araw nauna rito, magkasamang ipinatalastas kamakailan ng Amerika at Rusya na nakatakdang magtagpo ang nasabing dalawang pangulo sa Hulyo 16, sa Helsinki, kabisera ng Finland.
Salin: Jade
Pulido: Mac