|
||||||||
|
||
MGA BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER NAKAUWI NA. Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na inutusan sila ni Pangulong Duterte na alumni ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba't ibang bansa. Ang pagpapauwi sa mga problemadong manggagawa ay nananatiling prayoridad, dagdag pa ng kalihim. (DFA Photo)
NAGTITIWALA pa ang Malacanang kay Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III sa likod ng mga akusasyon ng katiwalian.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinagtitiwalaan at paniniwalaan pa ni Pangulong Duterte si Secretary Bello.
Nahaharap si Secretary Bello at dating Labor Undersecretary Dominador Say sa reklamo sa Presidential Anti-Corruption Commission sanhi ng mga illegal na pagkilos na kinabibilangan ng pangingikil mula sa recruitment agencies.
Nagmula ang reklamo kay Secretary General Monalie Dizon ng Samahang Pagbabago na nakarating sa PACC.
Ayon kay Atty. Manuelito Luna, tagapagsalita ng PACC, pinag-aaralan nila ang reklamo laban kay Secretary Bello. Bumubuo na sila ng fact-finding inquiry, dagdag pa ng abogado.
Tinanggihan naman ni Secretary Bello ang alegasyon. Handa umano siyang magbitiw kung makapagpapakita ng ebidensya ang grupo ng anumang papel o dokumento laban sa kanya. Posible umanong nag-ugat ang reklamo sa balitang siya ang hahalili kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na magreretiro na sa darating na Huwebes, ika-26 ng Hulyo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |