|
||||||||
|
||
SINABI ni G. Wilson Lee Flores, isa sa mga beteranong kolumnista sa bansa na nakagugulat ang naging talumpati ni Xi Jinping sa pagsisimula ng ika-19 na National Congress ng Partido Komunista ng Tsina noong nakalipas na Miyerkules.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Flores na nakakagulat at nakakabilib ang kanyang talumpati sapagkat kinakitaan ng "long term vision" si Xi. Ipinakita rin niya ang pagiging makabayan at magsisilbing inspirasyon para sa iba't ibang bansa.
"Maaaring tularan nang mga bansa sa Asia ang karanasan ng Tsina," dagdag pa niya.
Binanggit din niya na sinabi ni Xi na pinahahalagahan ang kapayapaan at kooperasyon sa iba't ibang bansa. Mahalaga rin ang "One Belt, One Road" sapagkat "win-win strategy" na nais ng Tsina na maging maunlad ang mga kalapit bansa sapagkat walang katuturan ang anumang kaunlaran kung hindi kasama ang iba't ibang lipunan.
Ayon kay G. Flores, magiging matatag ang Tsina sa susunod na limang taon sapagkat ekonomiya ang pinagtutuunan ng pamahalaan.
Umaasa rin si G. Flores na sa susunod na sampu hanggang 20 taon, kailangang umangat ang Asia kasabay ng pag-unlad ng Tsina.
Nabatid na rin ng Tsina na ang pagbubukas ng ekonomiya sa pandaigdigang kalakalan ang magdudulot ng kaunlaran.
Naniniwala pa si G. Flores na marami ang makakasama ng Tsina sa pribadong sektor sa kanilang "One Belt, One Road" program na madarama ang kaunlaran sa pamamagitan ng mga pagawaing-bayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |