Dakar — Magkasamang dumalo Linggo, Hulyo 22, 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Macky Sall ng Senegal sa seremonya ng paglilipat ng proyekto ng National Wrestling Arena ng Senegal.
Sa seremonya, inilipat ni Xi ang "golden key" kay Sall. Tinukoy niya na ang wrestling arena project ay pagpapakita ng malalim na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Senegal. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Senegal para magkasamang mapangalagaan at maipagtuloy ang tradisyonal na kultura, at mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Sall ang lubos na pasasalamat sa ibinigay na tulong ng Tsina sa pagtatayo ng nasabing moderno at multi-pungsyonal na wrestling arena. Ito aniya ay nagsisilbing bagong sagisag ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Nasa Dakar ang nasabing national wrestling arena ng Senegal. Ito ang pinakamalaking aid project ng Tsina sa Segenal, at unang modernong wrestling arena sa Aprika.
Salin: Li Feng