Nakahanda ang Tsina na patuloy na magbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan ng Laos, para tulungan ang mga mamamayang apektado ng pagguho ng dam sa Attapeu na malagpasan ang kahirapan at muling ibangon ang kanilang mga pamayanan. Ipinahayag ito ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa preskon, Hulyo 31, 2018.
Ayon kay Geng, hanggang sa kasalukuyan, walang ulat ng kasuwalti ng mga Chinese citizen.
salin:Lele