Dumating ang tulong na materyal na pinagkaloob ng Pamahalaan ng Tsina sa Laos kahapon Hulyo 30, 2018 sa Wattay International Airport, Vientiane, Laos. Dumalo sa seremonya ng paghahandog sina Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Laos at Baykham Khattiya, Pangalawang Ministro ng Labor at Social Welfare ng Laos.
Ipinahayag ni Wang Wentian na pinagtutuunan ng mga mamamayang Tsino ang kalagayan ng mga mamamayan sa purok ng kalamidad ng Laos. Nananalig siyang tiyak na malalabanan ng Laos ang mga kahirapan, at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.
Ang nasabing mga tulong na materyal ay kinabibilangan ng 100 bangka, 500 tent at 100 water purifier.
salin:Lele