Ang Tore ng Yueyang ay napakakilalang lugar panturista sa Tsina. Ito ay nasa paligid ng Lawa ng Dongting, sa Lalawigang Hunan ng Tsina. Mula noong sinaunang, marami na ang nilikhang sining na may temang papuri sa kagandahan ng Tore ng Yueyang. Pagkatapos ng pagbisita sa Tore ng Yueyang, ipinahayag ni Ian Goodrum, mamamahayag na Amerikano mula sa China Daily na napakasaya ng kanyang karanasan sa pagbisita sa Tore ng Yueyang. Ang toreng ito aniya ay may may malawak na anggulo at napakagandang lugar para pagmasdan ang Ilog Yangtze.