Sinabi Huwebes, Agosto 2, 2018 ni Sarah Sanders, Tagapagsalita ng White House, na tinanggap Miyerkules ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang liham ni Kim Jong-un, Kataas-taasang lider ng Hilagang Korea, at ipapadala ang sagot sa panig Hilagang Koreano.
Ani Sanders, sa kanilang mga liham, binanggit ng mga lider ng dalawang bansa ang pangakong ginawa sa panahon ng kanilang pagtatagpo sa Singapore. Patuloy na magsisikap aniya ang dalawang lider para mapasulong ang ganap na denuklearisasyon ng Korean Peninsula. Pinasalamatan din niya ang pagsasauli kamakailan ng Hilagang Korea ng mga labi ng mga sundalong Amerikano. Aniya, may progreso ang tuluy-tuloy na kooperasyon ng Amerika at Hilagang Korea, at patuloy na isasagawa ng kapuwa panig ang kooperasyon sa hinaharap.
Salin: Vera