Ipinahayag kahapon, unang araw ng Hulyo, 2018 ni John Bolton, American National Security Adviser na handa na ang Amerika na buwagin ang karamihan sa instalasyong nuklear ng Hilagang Korea, sa loob ng isang taon.
Winika ito ni Bolton nang kapanayamin siya ng Columbia Broadcasting System (CBS).
Sinabi ni Bolton na tatalakayin ng Amerika at Hilagang Korea ang hinggil sa nasabing plano. Aniya, kung tatanggapin ng Hilagang Korea ang planong ito, dagliang isasagawa ng Amerika ang mga konkretong hakbang.