|
||||||||
|
||
Kinumpirma Sabado, Agosto 4, 2018, ng Ministri ng Tanggulang Pambansa ng Rusya, na noong Hulyo ng kasalukuyang taon, lihim na ipinadala ni Russian army's Chief of Staff General Valery Gerasimov ang liham kay Chairman of the US Joint Chiefs of Staff Joseph Dunford tungkol sa situwasyon ng Syria.
Sa liham, ipinahayag ng panig Ruso ang kahandaang makipagtalakayan sa pamahalaan ng Syria para maigarantiya ang seguridad ng mga refugees sa Al Rukban sa purok-hanggahan ng Jordan at Syria, at makalikha ng kondisyon para sa pag-uwi nila. Bukod dito, binanggit din ng liham ang mga isyung gaya ng makataong pag-aalis ng mina, pagtatatag ng mapayapang pamumuhay ng mga mamamayang Syrian, at pagharap sa mga terorista.
Ayon sa Russian news agency nang araw ring iyon, kaugnay ng pagsasapubliko ng media ng nilalaman ng nasabing liham, nagpahayag ang Ministri ng Tanggulang Pambansa ng Rusya ng pagkadismayado sa panig Amerikano na isinapubliko ang mga kaukulang nilalaman na walang pagsasanggunian ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |