Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Imbestigasyon sa "Russiagate," magtatapos; problema ni Donald Trump, malaki

(GMT+08:00) 2018-08-07 16:12:46       CRI

Muling naging pokus ng opinyong publiko nitong Linggo, Agosto 5, 2018 si US President Donald Trump sa pamamagitan ng kanyang Twitter Account. Matindi niyang binatikos sa Twitter ang mga "fake news" tungkol sa kanyang anak na si Donald Trump Jr.. Aniya, nakipagkita ang kanyang anak sa isang Russian female lawyer noong taong 2016 para kunin ang impormasyon hinggil sa katunggaling pulitikal. Ito ay "ganap na legal, at palagiang kagawian sa pulitika," aniya pa.

Mahigit isang taon na ang nakararaan, habang ibinunyag sa unang pagkakataon ng "New York Times" ang nasabing pagkikita, minsa'y sinabi ni Donald Trump Jr. na ang pakay ng pakikipagkita sa Russian lawyer ay ang suspended project ng pamahalaang Amerikano tungkol sa pag-adopt ng mga batang Ruso. Ipinangako rin niya sa pagdinig ng Kongreso na hindi batid ni Donald Trump ang nasabing pagkikita, at walang anumang kaugnayan ang campaign ng ama sa Rusya. Ngunit matapos ang ilang buwan, ibinunyag ng media na ang nasabing pahayag ay ginabayan mismo ni Donald Trump.

Sa kasalukuyan, 13 buwan na ang nakararaan matapos ilabas ni Donald Trump Jr. ang anunsyo, lantarang inamin ng US President sa Twitter na ang naturang pagkikita ay upang makuha ang mapanirang impormasyon ng kanyang katunggali mula sa Russian lawyer. Ayon kay Ian Bremmer, Presidente ng Eurasia Group, pinakamalaking political risk consultancy sa buong daigdig, nakikita sa mga ito na si President Donald Trump o kanyang anak na si Donald Trump Jr., ay nagsinungaling sa nasabing isyu.

Kasunod ng papalapit na American mid-term election, magtatapos na ang imbestigasyon sa "Russiagate" na tumatagal ng mahigit isang taon. Ayon sa mga pangunahing mediang Amerikano na gaya ng "Washington Post," Cable News Network (CNN), at Associated Press (AP), posibleng makakapinsala ang "Russiagate" investigation sa mga tao na malapit kay President Donald Trump, lalong lalo na kay Donald Trump Jr. na kasabwat at kasali sa pagkikita nila ng Russian lawyer.

Ipinalalagay ng mga ekspertong pambatas na ang pakikipag-ugnayan ni Donald Trump Jr. sa dayuhan upang makuha ang mapanirang impormasyon ng katunggaling pulitikal, ay lumalabag sa kaukulang probisyon ng Panghalalang Batas ng Amerika. Noong unang dako ng kasalukuyang taon, nang humiwalay sa kampo ni Donald Trump, ipinahayag ni Steve Bannon, tagapayo ni Donald Trump at dating strategist ng White House, na ang nasabing pagkikita ay pagtataksil.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>