NAGBUNGA ang patuloy na pagsusulong at pagpapaunlad ng mga panindang mula sa Pilipinas at Nakita ang epekto nito noong nakalipas na Hunyo ng taong ito.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, ang pagkakaroon ng mas malawak na pamilihan para sa mga produktong mula sa Pilipinas sa pagkakayoon ng mabisang kalakalan at paggamit sa mga free trade agreements, umunlad ang export market.
Ito ang kanyang pahayag sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang total trade ay lumago ng 13.5 porsieynto at umabot sa US$ 14.8 bilyon noong Hunyo 2018. Sumigla ito dahil na rin sa mga inangkat ng Pilipinas na lumago ng 24.2 porsiyento na nabawasan ng 0.1 porsiyentong pagbaba sa exports.
Bumaba ang exports sa ikaaning na sunod na buwan at bahagya itong nabawasan noong nakalipas na Hunyo sa pagkakaroon ng mas mataas na kita mula sa manufactures, forest products at petroleum na siyang nagbawas sa kita sa mineral at agro-based products.
Nanatiling matatag ang imports. Ayon kay Secretary Pernia, kailangang matiyak ng pamahalaan na mapakikinabangan ang National Single Window ngayong taon ayon sa balak. Magkakaroon ng koneksyon ang mga ahensyang sangkot sa pagpoproseso ng export at import permits at iba pang trading requirements.