HIGIT sa P 809 milyon ang inilabas na salapi ng Department of Budget and Management para sa utang ng pamahalaan sa mga retiradong kawal at pulis. Ang halagang P 809 milyon, 360 llibo ay kukunin sa Pension and Gratuity Fund sa 2018 General Appropriations Act.
Mula sa halagang P 532.54 milyong inilabas para sa Armed Forces of the Philippines, makikinabang naman ang 4,392 pensionado na kulang sa biyayang natanggap mula Hulyo ng 2008 hanggang Pebrero ng taong 2013.
Ang pension differential claims ay may kinalaman sa 36 na buwang lump sum na ibinibigay sa mga nagretiro sa pagsapit ng kanilang ika-56 na taon o pagtatapos ng may 20 taon sa serbisyo mula 2008 hanggang 2013.
Sa panig ng Philippine National Police, may 13,157 kwalipikadong pensioner ang makikinabang sa P 276.82 milyong inilabas para sa mga pulis. Ito ay pension differential arrearages ayon sa Salary Standardization Law 3 mula Hulyo hanggang Disyembre ng 2009.