Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-10 ng Agosto 2018, ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesya, umabot na sa 321 ang bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol na naganap noong ika-5 ng buwang ito sa Lombok Island ng bansang ito.
Ayon pa rin sa naturang ahensiya, pinakagrabe ang kalagayan sa North Lombok Regency. 273 death toll ang nasa lugar na ito, at ipinakikita ng mga satellite picture na nasira ang 75% ng mga arkitektura sa lokalidad.
Dahil sa napakalaking kapinsalaang dulot ng lindol, nagsimulang magkaloob ang komunidad ng daigdig ng mga makataong tulong sa Indonesya.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino ang 100 libong Dolyares na tulong na pondo at maraming tulong na materyal. Ipinagkaloob din ng isang bahay-kalakal na Tsino ang mga kagamitang pang-telekomunikasyon.
Bukod dito, ipinagkaloob naman ng Unyong Europeo ang 150 libong Euro na tulong na pondo sa panig Indones.
Salin: Liu Kai