Dumalo Agosto 8, 2018, si Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesya sa seremonya ng pagkakaloob ng tulong. Inabot niya ang abuloy ng Chinese Red Cross sa Indonesian Red Cross, at ipinaalam din niyang magbibigay ang Embahada ng Tsina ng materiyal na tulong sa Indonesya para sa mga mamamayang apektado ng nilindol. Lumahok naman sa seremonya si Ginandjar, Tagapangulong Tagapagpaganap ng Indonesian Red Cross.
Naganap Agosto 5 sa ganap ng 18:46 pm local time ang magnitude 7.0 na lindol sa Lombok Island ng Indonesya na nagdulot ng kasuwalti at kapinsalaang pangkabuhayan. Ipinahayag ni Xiao ang pagmamalasakit ng mga mamamayang Tsino sa mga nabiktimang mamamayan ng Indonesya. Aniya, nananalig siyang tiyak na makakaraos ang mga mamamayan ng lugar na nilindol at muling ibabangon ang kanilang mga pamayanan.
salin:Lele