|
||||||||
|
||
Ipinahayag Martes, Agosto 14, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matinding kawalang-kasiyahan sa lantarang pagpasa at paglagda sa "National Defense Authorization Act (NDAA) Para sa Taong 2019," sa kabila ng buong tatag na pagtutol ng panig Tsino. Hinimok niya ang panig Amerikano na itakwil ang kaisipan ng Cold War at ideya ng zero-sum game, at huwag isagawa ang anumang negatibong probisyong may kinalaman sa Tsina.
Ayon sa ulat, nilagdaan kamakailan ni US President Donald Trump at nagkabisa ang nasabing batas na naglalaman ng mga negatibong probisyong may kaugnayan sa Tsina na gaya ng pagbabalangkas ng "Estratehiya ng Pamahalaan sa Tsina," pagsusumite ng pagtasa at plano tungkol sa pagpapalakas ng kakayahang militar ng Taiwan, at iba pa.
Ani Lu, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na tumpak at obdiyektibong pakitunguhan ang Tsina at relasyong Sino-Amerikano, at tupdin ang prinsipyong "Isang Tsina" at tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa upang maiwasan ang pagsira sa kanilang relasyon at kooperasyon sa mga mahalagang larangan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |