|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Disyembre 2, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng Amerika at Taiwan ng pagdadalawang opisyal at pag-uugnayang militar sa anumang porma. Palagian at malinaw ang posisyong ito, aniya.
Ayon sa ulat, nagsanggunian kamakailan ang Kongresong Amerikano tungkol sa 2017 Defense Budget kung saan posibleng mapasaloob ang pagpapalagayan ng mga military officials ng Amerika at Taiwan.
Bilang tugon, ipinahayag ni Geng na lubos na ikinababahala ng panig Tsino ang kaukulang impormasyon. Aniya, hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na tupdin ang patakarang "Isang Tsina" at mga prinsipyo ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika upang maiwasan ang pagkapinsala sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |