|
||||||||
|
||
SINABI ni Customs commissioner Isidro Lapena na taliwas sa sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency na mayroong traces ng shabu ang magnetic lifters sa Cavite na naglalaman umano ng P 6.8 bilyong halaga ng bawaL na gamot, wala silang nakitang bahid ng shabu.
Ginawa ni Lapena ang pahayag sa pagsisiyasat ng House Committee on Dangerous Drugs sa sinasabing smuggling ng 1,000 kilo ng shabu papasok sa bansa.
Ayon sa PDEA, ibinaba umano ang shabu mula sa apat na lifting equipment sa isng bodega sa M]General mariano Alvarez sa Cavite.
Sinabi naman ni G. Lapena na ang Bureau of Customs, mga tauhan ng PDEA at Philippine National Police na nagproseso ng pook at magnetic lifters.
Ang mga aluminum foil na natagpuan sa pook ay sinuri din subalit walang nakitang droga sa mg ito.
Sa pangyayaring ito, wala umanong basehan ang balitang lumabas na mayroong isang toneladang shabu na nasa pamilihan ay walang katotohanan.
Nanindigan naman si Atty. Ruel Lasala ng PDEA at nagsabing ang apat na magnetic lifters ay may bahid ng shabu. Naupo umano ang kanilang mga aso samantalang inaamoy ang lifters kaya't magpapatunay itong mayroong bawal na gamot sa mga kasangkapang ito. Sinabi pa ng abogado na ang address ng nakatakdang tumanggap ng kargamento ang parehong pangalan ng tumanggap ng may 500 kilo o P 4.3 bilyong halaga ng shabu ng masabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port.
Sinabi rin ni Director Adrian Albarino ng PDEA na ang shabu na nasabat sa Manila International Container Port at isang umanong container na natagpuan sa Cavite ay halos magkakatugma sapagkat pareho ang detalyes ng bill of lading. Nakapangalan ito sa Vecaba Trading International ang bodega, pareho rin ang address ng consignee, dagdag pa ni Albarino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |