PINABULAANAN ni Commission on Higher Education Officer-In-Charge Dr. J. Prospero E. De Vera III ang lumabas sa balitang malaki ang tinapyas na budget sa kanyang tanggapan.
Walang kabawasan sa kanilang budget sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act para sa school-year 2019-2020.
Pasado na sa pamahlaaan ang P 40 bilyon paras a taong 2018-2019. Ang panukalang budget para sa 2019 national expenditure program ay magdaragdag ng P 11 bilyon para sa Free Higher Education Program. Sa dagdag na budget, makapagbibigay ng libreng tuition ang CHED at ang Unified Financial Assistance System for Tertiary Education. Sagot din ang miscellaneous at iba pang nararapat bayaran sa 112 State Universities and Colleges at 78 CHED – recognized Local Universities and Colleges. Gagamitin din ito sa pagpapatupad ng Tertiary Education Subsidy at National Student Loan Program.
Mayroong P 7 bilyong nakalaan para sa Free Technical-Vocational Education and Training, ibibigay ito sa Technical Education and Skills Development Authority sa susunod na taon.