|
||||||||
|
||
NANINWALA si Dr. Walter W. Brown, pangulo at chief executive officer ng Atlas Mining Corporation at Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA) na kailangang daluhan ang mga maliliit na nagmimina sa iba't ibang bahagi ng bansa.
SMALL-SCALE MINERS, KAILANGANG TULUNGAN. Naniniwala si Dr. Walter W. Brown ng Apex Mining Co. at Phil. Mine Safety and Environment Association na kailangang tulungan ang small-scale miners na biktima rin ng mga terorista at twilling opisyal ng pamahalaan. Makakasama ang mga small-scale miner sa pangangalaga sa kapaligiran, dagdag pa ni Dr. Brown. (Larawan/Melo M. Acuna)
Sa isang press briefing, sinabi ni Dr. Brown, marapat kilalanin ang mga maliliit na nagmimina at tulungan upang makasama sa pag-aalaga ng mga minahan at kapaligiran. Niliwanag niyang sa pagtutulungan ng iba't ibang sektor, mapapangalagaan ang kalikasan.
Ito ang kanyang reaksyon sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong nakalipas na Lunes, ika-23 ng Hulyo.
Niliwanag ni Dr. Brown na ang mga maliliit na nagmimina sa iba't ibang bahagi ng bansa ang siyang biktima ng mga mangingikil na rebeldeng kabilang sa New People's Army, mga tiwaling pulis at kawal at maging mga opisyal ng mga pamahalaang local.
Naniniwala rin si Engr. Rufino Bomasang, isa sa mga director ng PMSEA na magkukulang ang kuryente sa bansa sa oras na ipasara ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga open pit mining, lalo na ang pinagkukunan ng uling sa Semirara sa Kabisayaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |