Ang nayong Songyang sa lalawigang Zhejiang ng Tsina ay mayroong napakagandang tanawin. May tanawin ng mataas na bundok, mala-kristal na tubig ilog, at berdeng kapatagan na mayroong makulay na bulaklak. Dahil dito, nitong ilang taong nakalipas, buong lakas na pinapaunlad ng lokal na pamahalaan ang industriya na panturismo. Ngayon, dinadayo ang nayong Songyang ng ilang milyong turista bawat taon. Ang naiibang tradisyonal na kultura at kahanga-hangang tanawin ay naging landas ng kaunlaran ng nayong Songyang.