NATAGPUAN ng mga autoridad ang higit sa P 37 milyong halaga ng shabu at ecstasy na nakatago sa mga baby carrier, camera at mga laruan.
Higit sa limang kilo ng shabu ang nakatago sa isang baby carrier, camera, magazine at bar stool samantalang higit naman sa 1,000 piraso ng ecstasy ang inilagay sa mga laruang kahoy. Nagmula ang mga pildoras ng ecstasy sa Alemanya.
Mula umano ang mga kontrabando sa America at ipadadala sa New Zealnd. Ibinigay na ng Bureau of Customs ang mga kargamento sa Philippine Drug Enforcement Agency.