Nang kapanayamin kahapon, Biyernes, ika-17 ng Agosto 2018, sa Jakarta, ng mga mamamahayag ng China Radio International, sinabi ni Erick Thohir, Tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Ika-18 Asian Games, na ang palarong ito ay hindi lamang maringal na aktibidad na pampalakasan, kundi magdudulot din ng kapayapaan sa Asya.
Dagdag ni Thohir, nagkakaisa ang mga mamamayang Indonesyano para sa mahusay na pagtataguyod ng kasalukuyang palaro, at ipapakita sa pamamagitan nito ang makukulay na kultura ng bansa.
Sinabi rin niyang, ang pagdaraos ng Asian Games ay malaking magpapasulong ng turismo ng Indonesya, at makikinabang din ang mga mamamayan sa mga bagong imprastrukturang itinayo para sa palaro.
Mula ngayong araw hanggang ika-2 ng darating na Setyembre, idaraos ang Ika-18 Asian Games sa Jakarta at Palembang, bilang co-host city.
Salin: Liu Kai