Idaraos ang ika-18 ng Asian Games sa Jakarta, Kabisera at Palembang, Punong Lunsod ng Lalawigang South Sumatera ng Indonesia sa ika-18 ng Agosto hanggang ika-2 ng Setyembre, 2018. Inaasahang makakamtan ng Ministri ng Turismo ng Indonesia ang malaking benepisyo mula rito, kaya isinagawa nito, mula noong taong nakalipas, ang isang serye ng mga hakbangin para umakit ng mas maraming manonood at turista.
Noong isang taon, halos dalawang milyong turistang panloob at halos 10 libong dayuhan ang pumasyal sa Palembang. Sa taong ito, inaasahan ng pamahalaan ng Palembang na aabot ang kabuuang bilang ng mga bisita sa 2.5 milyon.
salin:Lele