|
||||||||
|
||
Jakarta — Binuksan kagabi, Agosto 18, 2018 ang Ika-18 Asian Games. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Sun Chunlan, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping, at Pangalawang Premyer ng Tsina.
Ang pagdalo ni Sun sa nasabing Asiad bilang espesyal na sugo ni Pangulong Xi, ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa usapin ng palakasan ng Asya at pagkatig nito sa Indonesia sa pagtataguyod ng Asiad.
Samantala, bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, Tagapangulo ng Olympic Council of Asia (OCA).
Ito ang ikalawang beses na pagtataguyod ng Jakarta ng Asiad. Magko-kompetsyon ang halos 11,300 atleta mula 45 bansa't rehiyon ng Asya, sa iba't-ibang kaganapan ng palarong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |