Linggo ng umaga, Agosto 19, 2018, niyanig ng lindol na may lakas na 6.5 magnitude sa Richter Scale ang dakong hilaga ng Lombok, Lalawigang West Nusa Tenggara ng Indonesia. Kasunod nito, muling niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 7 ang rehiyong pandagat sa paligid ng Lombok.
Ayon sa impormasyon ng Kawanihan ng Paglaban sa Likas na Kapahamakan ng Indonesia, pagkaganap ng lindol, isa katao ang kumpirmadong nasawi, isa pa ang nasugatan, at mahigit 100 bahay ang nasira. Sa kasalukuyan, putol ang suplay ng koryente ng Lombok, at di-maalwan ang telekomunikasyon. Matinding panaka-nakang pagkayanig ang nararamdaman naman sa Bali Island sa paligid ng Lombok.
Noong ika-5 ng Agosto, niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 7 ang Lombok, na ikinamatay ng 436 katao.
Salin: Vera