Isiniwalat Agosto 13, 2018 ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia na hanggang kasalukuyan, umabot sa 436 ang bilang ng mga nasawi sa lindol na naganap noong ika-5 ng buwang ito sa Lombok Island sa lalawigang West Nusa Tenggara ng bansa, at 1,353 iba pa ang nasugatan. Bukod dito, mahigit 350 libong residente ang nailikas sa mga ligtas na lugar. Lumampas sa 5 trilyong Indonesia Rupiah ang kabuuang halaga ng kapinsalaang pangkabuhayan sa lindol.
Ayon pa sa naturang agency, nagpapatuloy ang gawain ng paghahanap at pagliligtas. Samantala, sinimulan ang gawain ng rekonstruksyon sa mga purok-kalamidad.