Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Trade Negotiations Department (TND) ng Thailand, noong unang siyam na buwan ng taong ito, tumaas nang 14.2% ang halaga ng kalakalan ng bansa at mga free-trade agreement (FTA) partner nito, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon pa sa datos, umabot sa 148.2 bilyong U.S. dollar ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Thailand at 17 FTA partner nito, noong unang hati ng taong ito. Kabilang dito, umabot sa 73.79 na bilyong U.S. dollar ang pagluluwas ng Thailand sa mga trade partner nito, na mas mataas ng 13.3% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2017. Samantala, umakyat naman sa 74.41 bilyong U.S. dollar ang pag-aangkat ng bansa, na mas mataas ng 15.2% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2017.
Ang limang nangungunang trade partner na may pinakamalaking pagluluwas ang Thailand ay Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, Australia, at India.
Salin: Jade
Pulido: Rhio