|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpating binigkas habang nagbibigay-galang kasama ng mga miyembro ng gabinete, sa libangan ng yumaong pinakamataas na lider ng bansa na si Ruhollah Musavi Khomeini, sa katimugan ng Teheran, nanawagan Sabado, Agosto 25, 2018, si Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, na dapat palakasin ng buong bansa ang pagkakaisang panloob upang harapin ang ipinapataw na sangsyon ng Amerika.
Sinabi niya, na sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ang situwasyong panrehiyon at pandaigdig, kaya napakahalaga ng pagpapanatili ng pagkakaisa at katatagan sa loob ng bansa.
Dagdag pa niya, palagiang iginigiit ng mga lider at pamahalaan ng Iran ang pagdepende sa puwersa ng mga mamamayan nito para mapagtagumpayan ang mga kahirapan.
Noong Mayo 8, 2018, idineklara ni Pangulong Donald Trump, ang pagtatalikod ng Amerika sa kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, at pinasimulan muli ang sangsyon laban sa bansang naturan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |