Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag noong Miyerkules, Enero 13, 2016, ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na dahil kasalukuyang tinutupad ng Iran ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, may pag-asang tutupdin ng kanyang bansa ang mga probisyon ng kasunduang ito sa malapit na hinaharap, na kinabibilangan ng pagkansela sa ilang sangsyong pangkabuhayan laban sa Iran.
Sa kanyang talumpati tungkol sa patakarang diplomatiko sa National Defense University ng Amerika, sinabi ni Kerry na ang pagpapatupad ng nasabing kasunduang narating nila ng Iran, ay isa sa mga priyoridad ng Pamahalaang Amerikano sa kasalukuyang taon.
Idinagdag pa niya na sa hinaharap, patuloy at mahigpit na susubaybayan ng panig Amerikano ang kalagayan ng pagpapatupad ng Iran ng kasunduan. Palalakasin din aniya ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang pagsusuring nuklear sa Iran.
Salin: Li Feng