|
||||||||
|
||
Ang Huangshui National Forest Park na nasa lunsod Chongqing ng Tsina ay isa sa mga pinakamabuting national forest parks sa bansa, at ang Lawa ng Araw o "Sun Lake" ay matatagpuan dito. Isa ito sa pinakamagandang tanawin sa buong Huangshui National Forest Park. Ang Lawa ng Araw ay nasa dakong timog silangan ng parke, at ang kabuuang saklaw nito ay umaabot sa mahigit 220 ektarya. Sa loob ng lawa, umiiral ang maraming isla at kakahuyan. Tunay na napakaganda ang natural na tanawin dito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |