NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs sa mga Filipino sa Japan na mag-ingat sapagkat nakatakdang dumaan ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa sa nakalipas na 25 taon.
Sinabi ng DFA sa pahayag nito na nakatakdang dumaan ang Tropical Cyclon 1821 na may international name na Jebi sa Japan ngayong araw na ito.
May koordinasyon na rin ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo at Consulate General sa Osaka at handang tumulong sa sinumang Filipino na maaapektuhan ng bago.
Mayroong mga 280,000 mga Filipino sa Japan at sinabihang huwag na munang lalabas ng kanilang tahanan at making sa babala mula sa Japan Meteorological Agency at mga panawagan ng mga pamahalaang lokal sa posibleng paglikas at paghinto ng mga sasakyang pambayan.
Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose C. Laurel, tatama ang bagyo sa Shikoku, Kinki, Tohoku, Tokai at Hokuriku regions.