SA pagtatapos ng amnesty program ng Malaysia ngayon, pinayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino na maghandang magkaroon ng malawakang "crackdown" mula bukas.
Ito ang ginawa ng Department of Foreign Affairs matapos sabihin ng pamahalaang Malaysian na hindi magkakaroon ng extension sa Voluntary Deportation Program na inilunsad noon pang 2016.
Sa kanyang ulat, sinabi ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose na handang tumulong ang Embahada sa mga Filipino national na posibleng maapektuhan ng intensified immigration operations.
Tumulong na umano ang Embahada sa may 5,844 na Filipino mula ng ilunsad ang amnesty program noong Enero ng 2016. Iisang porsiyento lamang ito ng tinatayang 400,000 mga undocumented Filipino sa Malaysia.
Kailangang dalhin ng mga Filipino ang lahat ng kanilang mga dokumentong magpapatunay na legal ang kanilang pamamalagi sa Malaysia.