SA pagpapatuloy ng mga sagupaan sa Tripoli, nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa may 1,800 Filipinong naroon na huwag na munang lumabas ng kanilang mga tahanan at mag-imbak ng pagkaing tatagal ng ilang araw. Maghanda na rin ang mga Filipino sa pagkawala ng kuryente.
Mayroon ng mga nasawi sa mga sagupaang naganap sa nakalipas na ilang araw. Bukod sa mga armadong sagupaan, nabalita rin ang pagkakaroon ng malawakang nakawan, pangangagaw ng mga sasakyan at iba pang mga krimen.
Ayon kay Mardomel Melicor, ang nangangasiwa sa Embahada ng Pilipinas sa Libya, malaki rin ang posiblidad na mawala ang internet connection. Kung magkakaproblema umano ay makatatawag ang mga Filipino sa numbering +218 91 824 4208 at + 218 94 454 1283, dagdag pa ni G. Melicor.