SA panig ng Malacanang, wala umanong patutunguhan ang pinakahuling reklamo sapagkat umalis na ang Pilipinas sa Rome Statute.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang taga-usig ng ICC sapagkat wala pa sa takdang oras ng kanilang paglilingkod.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pag-alis sa tratado na nagtatatag ng International Criminal Court sapagkat 'di umano sumusunod sa "due process" at 'di rin kinikilala ang "presumption of innocence" at wala umanong basehan ang mga pagtuligsa ng United Nations.
Nakatakdang dinggin ng Korte Suprema ang oral arguments ngayon sa hiwalay na reklamo ng mga mambabatas na kabilang sa oposisyon na nagtatanong sa legalidad ng pag-alis ni Pangulong Duterte sa kasunduan ng walang pag-sang-ayon ng Senado.
Nakatakdang ipagtanggol ni Solicitor General Jose Calida ang posisyon ng Malacanang na nagsasabing 'di na kailangan pa ang pag-sangayon ng Senado sa pagalis sa tratado.